^

Metro

Ratratan sa Caloocan Ama, 2 anak, parak utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi kabilang ang mag-aama at isang pulis habang sugatan ang isang binatilyo sa naganap na barilan na pinaniniwalaang dahil sa away ng dalawang pamilya kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang biktimang si Manolito Piccio, 56,  sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan habang namatay naman sa ospital dahil din sa tama ng mga bala sa katawan ang mga anak na sina Audie, 32, at  Erickson, 27.

Samantala, dead-on-the-spot din si PO3 Ernesto­ Cas­tillo, na nakatalaga sa Northern­ Police District (NPD). Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril at pana sa katawan, na ayon sa pamunuan ng NPD ay hindi na ito nagpapasok sa kanyang duty.

Sugatan naman ang kapit­bahay ng pamilya Piccio­ na nakilalang si James Christopher Palunday, 17, na ti­namaan ng ligaw na bala.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng hatinggabi  sa tapat ng bahay ng pamilya Piccio sa Rose St., King Solomon, Brgy. 174, Camarin ng naturang lungsod.

Ayon sa sugatang si Pa­lunday, kainuman niya ang mag-aamang Piccio nang biglang dumating si PO3 Castillo na may kasamang ilang kalalakihan.

Dito ay pinaulanan ng putok ng baril ng grupo ng pulis ang mag-aama at kahit may tama na ang mga ito ay nagawa pang makaganti rin ng pagpapaputok ng baril sa grupo ng una.

Ang naturang barilan ay nauwi sa trahedya na ikinasawi ng mag-aamang Piccio at ni PO3 Castillo.

Nabatid kay Susan Piccio, asawa ni Manolito, posibleng away-pamilya ang ugat ng pamamaril.

Ikinuwento nito na may napatay na isang Jun Bonto ang isa niyang anak na si Emer dahil umano sa agawan ng sumpak.

May hinala ang ginang na posibleng gumaganti ang asawa ni Bonto na nakilala lamang sa alyas “Eli” at ito umano ang nagbayad  kay PO3 Castillo upang patayin ang kanyang mag-aama.

“Ang alam ko pong suspect  ’yung asawa nung Jun Bonto, Eli Tejada o Rivera.  Kasi merong nag-report sa’min na malayong kamag-anak nung Bonto na nag­bayad sila para, kung alin sa mga anak ko, apat ’yung kukunin nila,” ani Susan.

Nabatid pa sa ginang, apat na ang napatay sa kanyang pamilya dahil ang una nang pinatay ay ang isa pa niyang  anak  na si Tristan.

Sinabi pa nito na hindi nila  kilala si PO3 Castillo, pero may kasama itong ilang kalalakihan nang sumugod sa kanilang bahay at pagbabarilin ang kanyang mag-aama.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente  ang  mga basyo ng bala ng sumpak,  kalibre .9mm at  dalawang granada. Hanggang sa nga­yon ay patuloy na iniimbes­tigahan ang insidente.

vuukle comment

BONTO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

ELI TEJADA

JAMES CHRISTOPHER PALUNDAY

JUN BONTO

PICCIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with