^

Metro

Pumalag sa holdap, tinodas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraang pumalag sa holdap, isang  lalaki ang  sinaksak at napatay ng mga hindi pa nakikilalang  holdaper  kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Eddie P. Veron,  49,  trabahador sa palengke at residente  ng Block 18, 2nd St., Baseco Compound,  Port  Area.

Dakong alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang ang biktima kasama ang kanyang anak ay naglalakad galing sa palengke nang harangin  ng dalawang lalaki sa Delpan Bridge.

Dito ay tinutukan ng mga suspect ang mag-ama kung saan kinukuha ng mga una ang gamit at pera ng mga biktima.

Nanlaban naman ang biktima kung kaya’t agad itong inundayan ng saksak ng  mga suspect.

Nagkataon namang may nagpapatrulyang mga pulis sa lugar na humabol sa mga salarin subalit naging mas mabilis ang mga ito at tuluyang nakatakas.

Isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima subalit  hindi na naisalba dahil sa isang malalim na saksak sa dibdib.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

DAKONG

DELPAN BRIDGE

DITO

EDDIE P

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

ISINUGOD

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with