Las Pinas fire: P2-M ari-arian tupok
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P2 milyong halaga ng paninda at ari-arian ang naabo matapos masunog ang isang palengke sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.
Wala namang napaulat na nasawi o nasugatan sa insidente.
Ayon sa report ng Las Piñas City Bureau of Fire, dakong alas-10:48 ng gabi nang maganap ang insidente sa Flea Market ng Barangay CAA ng naturang lungsod.
Napag-alaman sa report, nagsimula ang sunog sa bilihan ng mga plastic items hanggang sa kumalat ang apoy sa katabing mga stalls.
Nabatid na umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula dakong alas-11:48 ng gabi. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.
- Latest