^

Metro

Koreano, katiwalang hacker, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 37-anyos na Koreano at katiwalang Pinoy  nito na sinasabing miyembro ng sindikato ng hacker sa bansa matapos arestuhin ng pulisya sa inilatag na operasyon  sa Mandaluyong City kahapon.

Kinilala ni NCRPO Director Leonardo Espina ang mga suspect na sina Yooun Nayong ng Unit 202 Regina Heights Place #385 M. Vicente, Boni Ave., Mandaluyong City  at  Carlo Dadulla, 21, katiwala, ng  B-63 NIA Road, Brgy, Piñahan­, Quezon City. 

Samantala, pinaghahanap naman ang apat pang  suspect na sina­sabing mga Koreano rin.

Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Zaldy  Docena ng Ma­labon City Regional Trial Court Branch 170 kaugnay sa illegal­ na paggamit ng Globe Telecommunication system.

Nakumpiska sa mga suspect ang 444 piraso ng Globe Telecom sim cards, 100 piraso ng Touch Mobile prepaid sim cards, isang unit ng GSM modem na may 124 sim ports at iba’t ibang uri ng gamit pang-telekomunikasyon.

Ayon kay Espina, sangkot ang mga suspect  sa paggamit ng telekomunikasyon ng Globe upang makatawag palabas ng bansa na nagresulta sa pagkalugi ng kompanya ng P3.4 milyon sa loob ng 10-buwan.

 

BONI AVE

CARLO DADULLA

CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

GLOBE TELECOM

GLOBE TELECOMMUNICATION

JUDGE ZALDY

KOREANO

MANDALUYONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with