^

Metro

2 arestado sa pamemeke sa cell phone company

Ludy Ber­mudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bigo nang makata­ngay pa ng cell phone ang dalawang kalalakihan matapos ipadakip ng mismong kawani ng cell phone shop nangmabuking ang iba’t ibang pangalan at requirements sa post paid application sa loob ng mall sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ipinagharap na ng  kasong  estafa thru swindling, falsification of public and private documents, concealing true name at  conspiracy ang suspect na si  Dalmacio Reyes, 56, na gumagamit ng mga pangalanng Armando Serrano, Rosendo Mendoza, Manuel Morales at Wilfredo Cunanan, at residente ng  #112 Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City.

Isinangkot din sa kaso ang kasama nitong si Avelina “Belen” Hila­rio, 32, ng #220 Jhocson St. Sampaloc, Maynila.

Nadakip ang dalawa matapos madiskubre ng kinatawan Sun Cellular na si Romulo Pineda  ang suspect na nagpanggap na si Armando Serrano sa pamamagitan ng pekeng LTO license at Meralco bill para mag-apply sa post paid subscription plan ng naturang cell phone company.

Ang dalawa ay binitbit ng mga pulis sa loob ng Digitel Mobile Phils.Inc. sa mall sa Manila.

Nadiskubre rin sa be­ripikasyon na ilang beses na umanong nagkaroon ng transaksiyon sa nabanggit na cell phone company si Reyes na gamit ang ibang pangalan at kapag nakakuha na ng unit ay hindi na magbabayad.

 

ARMANDO SERRANO

BANLAT ROAD

DALMACIO REYES

DIGITEL MOBILE PHILS

JHOCSON ST. SAMPALOC

MANUEL MORALES

MAYNILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with