^

Metro

Wanted arestado sa pagyayabang

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang 21-anyos na murder suspect na sinasabing nagtago ng dalawang taon matapos ares­tuhin ng pulisya dahil sa pagyayabang sa nagawang krimen kahapon ng umaga sa Malabon City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Celso Magsinoc ng Malabon City Regional Trial Branch 74, nadakip ang suspek na si Jeffrey Malinao ng #106 Gozon Compound, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Lumilitaw na nabisto ang suspek matapos nitong ipagyabang sa mga kainuman na mayroon siyang napatay sa kanilang lugar. Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam ng ilang concerned citizen sa warrant section ng pulisya ang pagyayabang ng suspect.

Kinabukasan ay isinilbi ng pulisya ang warrant of arrest sa kasong murder laban sa suspek habang ito ay papalabas ng Gozon Compound. Nabatid na pinatay sa saksak  ni Malinao ang kanyang kapitbahay noong 2011 at nagtago ito sa ibang lugar. 

 

vuukle comment

BARANGAY TONSUYA

DAHIL

GOZON COMPOUND

JEFFREY MALINAO

JUDGE CELSO MAGSINOC

KALABOSO

KINABUKASAN

MALABON CITY

MALABON CITY REGIONAL TRIAL BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with