^

Metro

‘Ozamis group’, responsable sa serye ng holdapan sa Metro Manila

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina na mga miyembro ng  ‘Ozamis robbery group’ ang responsable sa serye ng mga panloloob sa ilang  remittance  company  sa Kalakhang Maynila.

Kasabay nito sinabi ni Espina na mareresolbahan na ang ginawang pangho­holdap ng anim na ar­madong kalalakihan sa Western Union Money Transfer sa A. Santos, panulukan  ng  Lopez St. Para­ñaque City noong Enero 29 ng umaga makaraang madakip kamakalawa ang isa sa mga suspek na  si Melvin Macalalas Labastida.

Ayon kay  SPD Director Jose Erwin Villacorte, nabatid na si  Labastida ay kasama ng grupo ng mga holdaper na nanloob sa isang sangay ng Western Union sa Parañaque City matapos itong positibong ituro ng dalawang saksi kabilang ang guwardya sa naturang money transfer company.

Si Labastida ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng NCRPO, SPD at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanyang tirahan sa Saint Joseph St. Bacoor Cavite noong Huwebes dakong alas-5:00 ng hapon.

Ayon kay  Espina,  simula aniya nang makatakas sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang tina­guriang leader ng Ozamis robbery-hold-up group na si Ricky Cadevero “alyas Kambal” ay naging talamak na ang holdapan sa ilang mga money remittance company  sa Metro Manila.

“Si Cadevero ay naaresto ng mga tauhan ng Muntilupa City Police ngunit nakatakas o itinakas noong Disyembre 2012 na hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad” ani ni Espina.

Hindi lamang ito ang pinag­hahanap ngayon maging ang kasamahan niyang si Wilfredo Panangalinga “alyas Kulot” na nakatakas sa Ozamis City Jail noong Hulyo 2012.

Sinabi pa ni Espina na hindi lamang sa Western Union responsable ang Ozamis group maging sa isang sa­ngay ng  LBC Express  sa Bacoor, Cavite noong Enero 15 ng taong kasalukuyan ay ang grupo rin ang siyang tumira.

 

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR CHIEF SUPT

DIRECTOR JOSE ERWIN VILLACORTE

ESPINA

OZAMIS

WESTERN UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with