Carjackers sumalakay sa Maynila
MANILA, Philippines - Muli na namang sumalakay ang kilabot na mga carjackers makaraang agawin sa tatlong estudyante ang isang Mitsubishi Montero sa bahagi ng Malate, Maynila at bago tuluyang tangayin ay pinaghihipuan pa ang isa sa babaeng biktima bago sila ibinaba sa bahagi ng Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Sa reklamong idinulog sa MPD-ANCAR, sasakyan ng biktimang si John Robert San Juan, 21, law student ng Lyceum University ang Montero (PKO-500) at sakay niya sina Jennifer Schoeler, 26, at Janina Nepomuceno, 20, kapwa estudyante ng De La Salle College of St. Benilde, nang tutukan sila ng baril ng dalawang suspect habang nasa parking lot ng Estrada St. sa Malate.
Nang makapasok ang dalawang suspek sa nasabing sasakyan, tinalian ng sintas ng sapatos ang tatlong biktima saka sinamsam ang kanilang mga kagamitan habang ang isa sa suspect ay hinawakan pa ang isang babae sa maseselang parte ng katawan habang ang isa ay minamaneho ang naÂsabing sasakyan.
Pagdating malapit sa isang creek sa Parañaque City ay pinababa ang tatlong biktima saka mabilis na pinasibad ang sasakyan.
Kaagad naman nag-report sa Police Community Precinct (PCP) 7 sa Parañaque City ang tatlong biktima pero inabisuhan na sa MPD-ANCAR magreklamo.
Samantala, dalawang lalaki kabilang ang isang menor-de- edad ang dinakip na sinasabing tumangay ng motorsiklo ng pamangkin ni Manila Representative District 1 Benjamin “Atong†Asilo, kamakalawa ng tanghali sa Tondo, Maynila.
Mismong sa loob ng bahay ng suspect na si John Rey Palanca, 22, ng Perla St.Tondo, Maynila nabawi ang Yamaha Fino na may plakang 2781 OM na kulay puti at pag-aari ni Tsino Asilo, 25, ng 654 Gerona St.Tondo.
- Latest