^

Metro

Guro timbog sa shabu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang guro sa pampublikong paaralan ang nahuli­han ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nada­kip na si Arnulfo Remigio, alyas Kid, ng Block 10, Lot 3, Carnation Street, Capitol Park Homes II Subdivision, Caloo­can City.

Si Remigio, guro sa Amparo High School sa Caloocan City, ay inaresto matapos ang buy-bust operation ng mga ope­ ratiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR).

Inaresto ang guro matapos umanong magbenta ng shabu sa ahente ng PDEA na nagpanggap na buyer sa bahagi ng University of the Philippines (UP) Campus sa Commonwealth Avenue Quezon City, ganap na alas-2 ng hapon.

Narekober sa suspek ang ilang drug paraphernalias at ang P500 marked money.

Ayon pa sa PDEA, si Remegio ay suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ilang kilalang gimikan, lalo na sa sentro ng information technology sa Commonwealth Ave­nue.

Kasalukuyang nakapiit si Remigio PDEA custodial fa­ cility sa Quezon City, habang ini­hahanda ang kaso laban dito.

vuukle comment

AMPARO HIGH SCHOOL

ARNULFO REMIGIO

CALOOCAN CITY

CAPITOL PARK HOMES

CARNATION STREET

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE QUEZON CITY

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with