PNP bubuo ng inspection team vs checkpoint
MANILA, Philippines - Bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng inspection team upang magmonitor at titiyak na nasa lugar at maayos ang isinasagawang checkpoint operations sa MeÂtro Manila.
Ito’y sa gitna na rin ng serye ng karahasan sa paggamit ng mga armas sa kabila ng umiiral na election gun ban.
“Bubuo po tayo ng inspection team sa different cities para makita kung talagang ginagampanan (operatives sa checkpoint) ang kanilang trabahoâ€, ayon kay PNP chief Director Gen. Alan Purisima.
Ang inspection team ay manggagaling sa PNP National Headquarters sa Camp Crame. Nabatid na ikinadismaya ni Purisima ang serye ng mga karahasan sa Metro Manila kabilang ang pag-atake ng robbery gang noong Sabado ng gabi sa isang jewelry shop sa ground floor ng isang mall sa Mandaluyong City.
Pangalawa ay ang pagkaÂkapatay sa negosyanteng Filipino–Chinese na si Kelvin Tan, may-ari ng isang consÂtruction company na pinagbabaril ng riding in tandem matapos na mag-withdraw ng P800,000 sa China Bank sa San Juan City nitong Lunes ng umaga.
Nabatid na may itinakdang oras lamang ang checkpoints sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila mula alas-10 ng gabi na nagtatapos sa pagitan ng alas-3 hanggang alas-4 ng madaling-araw.
Binigyang diin ni Purisima na hindi baling medyo magkabuhul-buhol ang trapiko sa Metro Manila sa implemenÂtasyon ng checkpoints basta’t ang mahalaga ay hindi maÂngaÂnib ang publiko laban sa mga masasamang elemento.
- Latest