4-anyos bata patay DOH umalerto sa meningo
MANILA, Philippines - Umalerto ang Department of Health (DOH) laban sa sakit na meningococcemia matapos ang pagkasawi ng isang 4-anyos na batang lalaki kahapon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City.
Bagama’t hindi madaling makahawa sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na kailangan pa rin umanong subaybayan ang sakit na maÂaari namang makuha kung mayroong intimate o direct conÂtact sa biktima tulad ng direktang pagbahing o pag-ubo ng isang may meningococcemia sa mukha ng isang tao.
Ayon kay Tayag walang daÂpat na ikabahala ang publiko hinggil sa umano’y pagkalat ng sakit na meningococcemia dahil ang naturang sakit ay hindi airborne disease.
“Unang-una po ang meningococcemia ay hindi po madaling makahawa. Kailangan nating ipaliwanag ito baka maÂmaya e magkaroon ng panic,†dagdag pa ni Tayag.
Paliwanag pa ni Tayag, ang meningo ay duÂlot ng bacteria na matatagpuan sa ilong, bibig at lalamunan at may mga sintomas na mataas na lagnat, pagkakaroon ng raÂshes na parang pasa, paÂnanakit ng ulo, stiff neck at seizure.
Ito aniya ay isang blood-borne disease na ang kalimitang nahahawahan ay mga bata at 10% ng mga ito ay maÂaaring mamatay kahit pa nasa ilalim ng pangangalaga ng pagamutan.
Ang nasawing bata ay tuÂbong Rodriguez, Rizal at nalagutan ng hininga ganap na alas-9:46 ng gabi matapos ang anim na oras nang isugod ito sa ARMMC.
Sinabi ni Dra. Paraluman Mendoza-Manuel, senior pe diatrician ng ARMMC, apat na araw ng nilalagnat ang bata nang ito ay isugod sa kanilang pagamutan.
Agad umano nilang sinuri ang bata, isinailalim sa laboratory test at doon nakumpirma na positibo sa sakit na meningococcemia makaraang maglabasan ang mga sintomas, tulad ng pagsusuka, pasa at mga rashes sa ibat-ibang bahagi ng katawan ng pasyente.
Dahil sa pagkamatay ng bata kaya isinara ang emergency room ng ARMMC sa loob ng halos anim na oras at pansamantalang inilikas ang ibang pasyente sa lobby para hindi mahawa sa sakit.
Maging ang mga bantay at mga dumadalaw sa mga maysakit sa ARMMC ay nagpanic at mabilis na naglabasan ng hospital dahil sa takot na mahawa ng nasabing karamdaman. Agad naman nilinis ng mga hospital worker ang kuwarto at iba pang lugar na pinagdalhan ng namatay na pasyente.
Kaagad ding binigyan at pinainom ng antibiotic na proÂphylaxis ang mga nagkaroon ng direct contact sa bata kabilang ang mga doktor, nurse at kaanak ng pasyente.
- Latest