Carlos Celdran, ipinapakulong ng korte
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng mababang hukuman na tuluÂyang ikulong ang kontrobersiyal na tour guide at advocate ng reproductive health na si Carlos Celdran.
Sa pinalabas na kaÂutuÂsan ni Manila MetroÂpolitan Trial Court Branch 4 Judge Juan Vermejo Jr, nagkasala si Celdran sa kasong offending religious feeling alinsunod sa Article 133 ng Revised Penal Code na isinampa ni Monsignor Nestor Cerbo ng Manila Cathedral.
Sa desisyon, si Celdran ay ginawaran ng indeÂterminate sentence law na may minimum na parusa na mula 2-buwan at 21-araw na pagkabilanggo at maximum peÂnalty na hanggang isang taon, isang buwan at 11-araw.
Si Celdran ay pansamantalang nakakalaya dahil sa inilagak niyang piyansa sa korte.
Sa panig naman ng kampo ni Celdran, sinabi ng abogado nitong si Atty. Marlon Manuel na hindi pa pinal ang desisyon at iyon ay kanilang iaapela.
Hindi rin aniya, nagsisisi si Celdran sa kanyang ginawa dahil naipasa na ang Reproductive Health Law.
Nag-ugat ang kaso nang gumawa ng eksena si Celdran habang nasa kalagitnaan ng pagmiÂmisa sa Manila Cathedral noong Setyembre 30, 2010 kung saan siya ay pumasok bitbit ang plaÂcard na nananawagan na huwag manghimasok ang simbahan sa pulitika.
- Latest