^

Metro

Buntis na nene, patay sa bundol ng SUV

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 15-anyos na nene na sinasa­bing buntis matapos masa­gasaan ng isang sports uti­lity vehicle (SUV) habang tumatawid sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, lung­sod Quezon, ka­hapon ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, naki­lala ang nasawi na si Da­nica Balbuena, residente sa Kaunla­ran St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Si Balbuena ay nasawi matapos na masagasaan ng isang Nissan X-trail (OIQ-777) na minamaneho ng isang Valeriano Ponce, 55, sa harap ng Commonwealth Market sa Commonwealth Avenue dakong ala-1 ng ma­daling-araw.

Nagawa pang maitakbo sa Veterans Memorial Me­dical Center ang biktima pero idineklara din itong dead on arrival.

Sa imbestigasyon, tinatahak ng sa­­sak­yan ni Ponce ang south-bound lane ng Commonwealth Ave­nue, nang pagsapit sa na­turang lugar ay bigla na lamang umanong sumulpot ang biktima.

Kuwento naman ng mga kaibigan ng biktima, magkakasama silang tumatawid sa lugar nang biglang huma­rurot ang sasakyan papunta sa kanilang direksyon at ma­sagasaan ito.

Sa lakas ng impact, na­yu­pi ang unahang bahagi ng SUV kung saan nagpagulung-gulong pa umano ang biktima saka umuntog ang ulo sa kalsada at nawalan ito ng ulirat.

Huminto naman ang SUV saka itinakbo sa naturang ospital ang biktima pero idi­neklara din itong dead on arrival.

Ayon kay Edward Tudao, traffic aide ng PS5, base sa testimonya ng kinasama ng dalagita kinumpirma umano nitong buntis ang nasawi, subalit hindi naman nila matukoy kung ilang buwan na ang dinadala nito sa kanyang sinapupunan.

Patuloy ang imbestigas­yon ng QC Traffic Sector 5 sa insidente.

 

vuukle comment

AYON

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

COMMONWEALTH MARKET

EDWARD TUDAO

NISSAN X

SHY

SI BALBUENA

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with