^

Metro

Matapos mag-withdraw ng P.8-m sa banko: Tsinoy trader todas sa tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-anyos na Filipino Chinese businessman makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin nakasuot ng barong Tagalog matapos na mag-withdraw ng halagang P800,000 ang una sa isang banko sa San Juan City kahapon ng umaga.

Ito ay sa kabila ng umiiral na gun ban.

Kinilala ni Senior Superintendent Bernard Tambaoan, chief ng San Juan police ang nasawing biktima na si Kelvin Tan, ng New Manila, Quezon City at sinasabing may-ari ng KT Buil­ders, may kinalaman sa construction scrap mate­rials.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, nag-withdraw si Tan ng halagang P.8 million sa China Bank sa may Ortigas Avenue at agad naman nitong ibinigay sa bodyguard ng kanyang kaibigan na si Benedict Tan, na naghihintay lamang sa malapit na coffee shop.

Ilang minuto pa ay sumakay na ang biktima sa kanyang naka-park na To­yota Altis (POZ-789) at na­upo sa may driver’s seat nang biglang sumulpot ang gunman.

Walang sabi-sabing pina­putukan ng baril ang bikti­mang si Tan na namatay noon din.

Sa kabila umano na hindi naman nakuha ang winithdraw nitong pera, hindi pa rin inaalis ng pulisya ang ang­gulo ng robbery na mo­tibo sa naganap  na krimen. Tinitignan din ang anggu­long business rivalry sa pang­yayari.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspect sakay ng motorsiklo na doon naghintay ang kasama.

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-SOCO tat­long tama ng bala ang bumutas sa bintana ng sasakyan ng biktima. Limang basyo ng cal. 45 baril naman ang narekober sa crime scene.

vuukle comment

BENEDICT TAN

CHINA BANK

FILIPINO CHINESE

KELVIN TAN

NEW MANILA

ORTIGAS AVENUE

QUEZON CITY

SAN JUAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with