^

Metro

Valenzuela police timbog sa panunutok sa gasoline boy

Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District ang kanilang kapwa pulis matapos na ireklamo ng panunutok ng baril ng isang gasoline boy  na nagkamali sa paglalagay ng gasolina sa sasakyan ng pulis noong Sabado ng gabi sa Tondo, Maynila.

Si PO2 Reggie Mirando, na naka-destino sa Valenzuela City Police ay nakukulong ngayon sa Manila Police District General Assignment Section.

Ayon kay SPO1 James Poso, ng MPD GAS,  tinutukan ng baril ni Mirando  si Jun Velardo, 25, ng Petron Gasoline Station sa kanto ng Rizal Avenue at Teodoro St. sa Tondo, nang magkamali ang  huli  sa paglalagay ng krudo sa sasakyan ng pulis.

Lumilitaw na sa halip  na regular gasoline, ay diesel umano ang naikarga ni Velardo  sa sasakyan ng pulis kaya sa galit ng huli ay binunot umano ang baril saka itinutok sa natakot na gasoline boy.

Ang naturang insidente ay nairekord  sa CCTV ng gasoline station.

Si PO2 Mirando ay nahaharap ngayon sa paglabag sa election gun ban at grave threats sa Manila Prosecutors Office.

JAMES POSO

JUN VELARDO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MIRANDO

PETRON GASOLINE STATION

REGGIE MIRANDO

RIZAL AVENUE

TEODORO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with