Tanod dedo sa ex-tanod
MANILA, Philippines - Bulagta sa apat na tama ng bala sa katawan ang isang barangay tanod nang pagbabarilin ng kaalitang dating tanod, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng tanghali.
Kinilala ang biktimang si Elmer Dayon-dayon, 40, baÂrangay tanod sa Brgy. 313, Zone 31 at residente ng CM Recto Avenue, Sta. Cruz.Nakatakas naman ang suspect na kinilalang si Reggenald Larios, 43, kapitbahay ng biktima dala ang ginamit na kalibre .38 baril.
Sa ulat, alas-11:40 ng tangÂÂhali nang maganap ang pamamaril sa biktima sa panulukan ng D. Jose at T. Alonzo Sts. sakop ng kanilang baÂrangay sa Sta.Cruz, Maynila.
Inabangan umano ng suspect ang paglabas ng biktima ng bahay at nang matiyempuhan ay pinagbabaril. Hinihinalang ang madalas na panggugulo ng biktima o pangungulit sa mag-asawa kapag lasing ang isa sa dahilan sa isinagawang krimen.
- Latest