^

Metro

2 ‘Agaw taxi’, patay sa shootout

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang dalawang miyembro ng ‘Agaw taxi gang’ matapos makipagbarilan sa mga pulis matapos maaktuhang inaagaw  ang isang  taxi mula  sa driver nito sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din sa pinangyarihan  ng insidente ang hindi pa nakikilalang mga suspek na inilarawan lamang ang isa na tinatayang nasa 25-30 anyos, 5’5” ang taas, nakasuot  ng kulay itim na sweat shirt at maong pants, habang ang isa ay nakasuot naman ng kulay pulang t-shirt at maong pants, may taas na 5’5’’ talampakan.

Batay sa ulat ni PO2 Jaime Samson, may hawak ng kaso nangyari ang insidente pasado alas-3:30 ng madaling-araw kahapon sa kahabaan ng Commonwealth sa harap ng SSS Subdivision sa Brgy. North Fairview, Quezon City.

Nabatid na nagpapatrulya sina SPO3 Wahab Magundacan at tatlo pang kasamahan  lulan ng mobile QC-189 nang masabat  nila ang mga suspek sa loob ng  isang kulay puting Toyota Vios taxi (UWA-146 ) matapos holdapin ang driver nitong si Pedro Mina, 34, ng Old Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches.

Tinangka umanong sitahin ng mga pulis ang mga suspek ngunit bigla umano silang pinutukan kung kaya napilitang gumanti ang  mga pulis hanggang sa mapatay ang mga ito.

Ayon  sa mga pulis, sasakyan umano ang  pakay ng mga suspek sa kanilang mga bibiktimahin.

 

vuukle comment

BRGY

JAIME SAMSON

NORTH FAIRVIEW

OLD CABUYAO

PEDRO MINA

QUEZON CITY

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with