Ballistic result sa kaso ni Nicole, inilabas na

MANILA, Philippines -  Maituturing na absuwelto ang dalawang suspek hinggil sa kasong pagkamatay ng 7-anyos na si Stephanie Nicole Ella na tinamaan ng ligaw ng bala noong Bagong Taon matapos mag-negatibo ang ballistic report  hinggil sa bala ng mga baril na kanilang pag-aari.

Ayon kay Caloocan City Spokesperson, Supt. Jack Castro Candelario, ayon sa report ng PNP Crime Lab, nag-negatibo ang bala sa mga baril na pag-aari ng mga suspek na sina  Grene Milo Da, 62, kapitbahay ng pamilya Ella at John Agus.

Nabatid, na ang balang nakuha sa ulo ni Nicole ay hindi tumugma sa mga baril­ na pag-aari ng dalawa  kung kaya’t posibleng ma­absuwelto sila sa kaso ng pagkamatay ng naturang biktima.

 

Show comments