^

Metro

45 batang kalye winalis ng MMDA

Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Inumpisahan na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis hindi lamang sa kalat kundi maging sa mga batang kalye makaraang 45 palaboy na paslit ang damputin ng mga tauhan ng ahensya sa Pasay City.

Sa isinagawang “reach-out operation” ng MMDA sa NAIA Road malapit sa bisinidad ng airport sa Pasay City, nasa 45 batang kalye at palaboy ang kanilang ipinasa sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong City para mangalaga sa mga ito.

Ang naturang lugar ay ang pansamantang tuluyan ng mga palaboy na walang tahanan na pinatatakbo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa isinumiteng ulat ni Rolando Macalinao, officer-in-charge ng Metropolitan Social Services Office (MWSO), sa 45 na kanilang dinampot, anim dito ay mga menor-de-edad (ang pinakabata ay edad 3 at 5-anyos), habang ang pinakamatanda ay 50-anyos.

Isinagawa ang operasyon dahil na rin sa reklamo ng mga motorista na nabibiktima ng mga “Batang Hamog” na nangingikil at nambabato habang ang iba ay sangkot sa panghoholdap, snatching at pandurukot.

Habang nasa Jose Fabella, bibigyan ng maayos na pagkain at gamot ang mga palaboy habang ang iba ay tutulungan na makabalik sa kani-kanyang lalawigan.

 

vuukle comment

BATANG HAMOG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JOSE FABELLA

JOSE FABELLA CENTER

MANDALUYONG CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METROPOLITAN SOCIAL SERVICES OFFICE

PASAY CITY

ROLANDO MACALINAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with