^

Metro

3 holdaper patay sa enkuwentro

Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines -  Tatlong holdaper ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad ilang minuto matapos na holdapin ang isang UV Express sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay QCPD director  Chief Supt. Richard Albano, walang pagkakakilanlan ang mga suspect na inilarawang nasa edad na 25-30; ang isa ay may taas na 5’4”, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na shorts na may tattoo na “Roma”, “Dare Cruz,” at “Bong Anthony” sa buong katawan; habang ang isang suspect ay may taas na 5’7” at nakasuot ng itim na t-shirt, checkered shorts at kulay brown na sinelas. Ang pangatlo ay nakasuot ng itim na t-shirt, itim na shorts at kulay brown na cap at may mga tattoo na “Eric,” “Dave Greg,” at “Teresita Mercado” sa buong katawan.

Nasawi umano ang mga suspect matapos na maka-enkwentro ang mga operatiba ng Police Station 4 makaraang holdapin ng mga ito ang isang pampasaherong UV Express van (PXL-555) sakay ang tatlong pasahero.

Sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Quisumbing, nangyari ang insidente sa kahabaan ng F. Del Mundo St., Brgy. Sauyo, Nova­liches ganap na alas-11:30 ng gabi.

Bago ito, sakay umano ng UV Express van ang mga suspect na nagkunwaring pasahero at tinatahak ang kahabaan ng Quirino Highway malapit sa Seminary Road, Brgy. Bagbag nang biglang magdeklara ng holdap.

Agad na tinutukan ng baril ang mga biktima saka kinuha ang mga gamit ng mga ito. At nang makuha ang pakay ay bumaba sa tapat ng Volvo motors sa may Brgy. San Bartolome at nagsitakas.

Mabilis namang dumulog ang mga biktima sa tanggapan ng PS4 na agad na nagresponde sa lugar kung saan naabutan pa nila ang mga suspect. Tinangka pang kausapin ng mga awtoridad ang mga suspect pero sa halip na sumuko ay pinaputukan sila ng mga ito dahilan para gumanti sila ng putok at masawi ang nasabing mga suspect.

Narekober sa lugar ang pitong basyo ng bala, isang kalibre 38 na may apat na bala, at isang kalibre 22 na baril, maging ang mga kagamitan ng mga nasabing bitkima.

 

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

BONG ANTHONY

BRGY

CHIEF SUPT

DARE CRUZ

DAVE GREG

DEL MUNDO ST.

POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with