Maconacon mayor, matagal nang nakakatanggap ng death threat
MANILA, Philippines - Nakatutok ngayon ang hanay ng Quezon City Police District (QCPD) sa taong pinagmulan ng text mesÂsages sa cellphone ng pinaslang na Maconacon Mayor Erlinda Domingo kung saan nakatanggap umano ito ng mensahe nang pagbabanta, bago tuluyang pasÂlangin nitong Martes ng gabi sa lungsod.
Ayon kay QCPD director Chief Supt. Richard Albano na, “Nagpunta na kami sa lugar ni alkalde, at nakausap natin ang pamilya, sabi ay matagal na itong nakakatanggap ng threat, pero hindi niya pinapansin, hindi daw kasi ito naniniwala na may papatay sa kanyaâ€.
Naging paulit-ulit umano ang pagbabanta at patuloy ding binabalewala ng mayora hanggang sa maganap ang nasabing pagpatay.
Sa kasalukuyan, pinadala na umano ni Albano ang ilang tropa mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) para magsagawa ng malalimang imbestigasyon at makatulong na rin sa pamilya ni Domingo para hindi na magpunta sa Manila hingil sa kaso.
Bukod dito, may tinitingnan na rin anya silang tatlong motibo sa nasabing kaso, pero hindi muna nila ito maÂaring ibigay bunga ng isinasagawa nilang imbestigasyon.
“Dati lima ang motibo na lumulutang, pero naging tatlo na lang, pero hindi muna natin maaring ilabas hanggang hindi natin sigurado,†paglilinaw ni Albano.
Si Domingo, 51, ay pinagbabaril at napatay sa may parking lot ng isang apartelle sa kanto ng Examiner at Quezon Avenue. Sugatan din sa pamamaril ang kanyang driver bodyguard na si Bernard Plasos, 35.
Sa follow-up operation, naaresto ang tatlo sa mga suspect na sina Christian Pajenado, 38; Michael Domingo, 38; pawang residente sa Brgy. Commonwealth; Mary Grace Malones-Abduhadi, 25 ng Brgy. Culiat. Habang tinutugis pa sina Marsibal Abduhadi, alyas Bagwis; isang alyas Khalid, at isang Ryan Santiago ay patuloy na pinaghahanap.
Sinabi ng QCPD, mga hired killer umano ang mga suspect dahil maging ang mga ito ay hindi alam kung sino ang tunay na mastermind sa pagpatay sa mayora.
“Tinanong naman natin sila, sabi nila basta uutusan lang sila na may pupuntahan daw sila na madam ang paÂngalan, at hindi nila alam kung si mayora ito,†sabi ni Albano.
- Latest
- Trending