^

Metro

Pagsabog sa pabrika: 1 utas, 4 kritikal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkahiwa-hiwalay ang  parte ng katawan ng isang machine operator habang nasa kri­tikal naman na kondisyon ang apat pang kasamahan nito matapos ang isang pagsabog na naganap sa pabrika ng gulong sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Bonbong Danding, 36, residente ng nabanggit na lugar.

Mabilis namang isinugod  sa Valenzuela General Hospital ang mga sugatan na sina Segundo Enriquito, 34; Nedie Espinueva, 25; Reynaldo Espinosa, 32, at isang hindi pa nakikilalang biktima.

Ang mga biktima ay pawang mga manggagawa ng Pilipinas Tire Rubber Corporation na matatagpuan sa Colon Industrial Subdivision, Tatalon St., Brgy. Ugong ng naturang lungsod.

Lumalabas  sa inisyal na imbestigasyon ni  PO1 Jonathan Bolinao, ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa nabanggit na pabrika.

Nabatid na  naka-duty si Danding  at  ang iba  pang biktima kung saan ay biglang sumabog ang isang makina na ayon sa mga awtoridad ay posibleng maluwag ang pagkaka-lock ng takip nito, kung kaya’t nag-over pressure na naging sanhi ng pagsabog nito.

Dahil sa insidente ay nasabugan ang mga biktima, subalit ang machine operator na si Danding ang napuruhan dahilan upang tumilapon ito na ilang metro  at tinamaan pa ng takip ng makina kung kaya’t nagkahiwalay ang ibang parte ng katawan nito at naputulan ng paa.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na ini­imbestigahan ang insidente at tinitingnan na ng pulisya kung may pananagutan at anong kaso ang maisasampa sa may-ari ng pabrika.

BONBONG DANDING

COLON INDUSTRIAL SUBDIVISION

JONATHAN BOLINAO

NEDIE ESPINUEVA

PILIPINAS TIRE RUBBER CORPORATION

REYNALDO ESPINOSA

SEGUNDO ENRIQUITO

TATALON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with