^

Metro

Klase sa paaralan sa Pasig, kanselado dahil sa ‘bomba’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakansela ang klase sa isang public high school sa Pasig City matapos na makatanggap ng bomb threat kahapon.

Ayon kay P/Senior Supt. Mario Rariza, Jr., hepe ng Pasig City Police, dakong alas-8:30 ng umaga nang ma­katanggap ng text ang isang estudyante ng Santolan National High School at isang residente na nagsasabing may sasabog na bomba sa ikaapat na palapag ng paaralan na  matatagpuan sa Sto. Tomas St., Brgy. Santolan, Pasig City.

Nagmula umano ang mensaheng “May sasabog na bomba dyan. Mag-ingat kayo, itinanim ito sa 4th floor ng alas-4:30 ng madaling- araw,” sa cellphone number na 092135358220.

Kaagad namang inireport ng pamunuan ng paaralan sa pulisya ang insidente.

Hindi rin nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad at kaagad na inilikas ang mga estudyante upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Nang suyurin naman ng mga miyembro ng Explosives and Ordnance Division (EOD) at Special Weapons and Tactics (SWAT) ang paaralan ay nag-negatibo naman at walang nakuhang bomba sa lugar.

Sa kabila naman nito ay nagdesisyon si Lorna Rodri­guez, officer-in-charge ng pa­aralan, na suspendihin na ang maghapong klase.

EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

LORNA RODRI

MARIO RARIZA

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

SANTOLAN NATIONAL HIGH SCHOOL

SENIOR SUPT

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

TOMAS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with