^

Metro

Bebot dedo sa bus

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng angkas ng motorsiklo, habang sugatan naman ang rider nito matapos masagasaan ng isang bus, sa Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO1 Gary Talacay, imbestigador ng Traffic Sector 5, nakilala ang nasawi na si Joanna Marie Magsanoc, 25, habang sugatan naman ang kasama nitong si Jerome Aglean, kapwa residente sa Brgy. Commonwealth

Sangkot sa vehicular accident ang isang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima, Viofel transport Inc. (NYG-463) na minamaneho ni Michael Puyat, 35, at Safeway bus (TXP-863) na minamaneho naman ni Ronito Bolivar, 39.

Nangyari ang insidente habang magkakasunod na tinatahak ng tatlong sasakyan ang Commonwealth Avenue, corner Peacock St., Fairview, ganap na alas- 5 ng umaga.

Nabatid na binabagtas ng motorsiklo nila Aglean at  Magsanoc ang nasa­bing lugar patungong Philcoa kasunod ng Viofel bus nang biglang tumbukin ng una ang likurang bahagi ng huli.

Sa lakas ng impact, tumalsik ng ilang hakbang mula sa motorsiklo si Magsanoc, hanggang tiyempo naman na paparating ang rumaragasang Safeway bus at sinawing palad na masagasaan ito sa bahagi ng kanyang ulo.

Dead on the spot sa lugar si Magsanoc habang nagtamo naman ng mga galos sa kanyang braso at katawan ang rider na si Aglean.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang kinakaharap ng driver ng safeway bus.

 

vuukle comment

AGLEAN

COMMONWEALTH AVENUE

GARY TALACAY

JEROME AGLEAN

JOANNA MARIE MAGSANOC

MAGSANOC

MICHAEL PUYAT

PEACOCK ST.

RONITO BOLIVAR

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with