16 sugatan sa salpukan ng 2 bus
MANILA, Philippines - Labing anim na pasahero ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA tapat ng Farmers Plaza, Araneta Center, CubaoÂ, Quezon City kamaÂkalawa ng gabi.
Nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatang pasahero na kinilalang sina Anna Marie Paraiso ng Samal Bataan, Jessica Caguia Pito ng ValenÂzuela City, Marvi Veronce ng Bulacan, May Villaflor ng Bulacan, Manuel Bote ng Masambong, Quezon City; Maribeth Belleza ng MaÂlabon City, Estacy Courtney ng Bulacan, Dennis Angela Salazar ng Caloocan City, Catherine Andres ng Bulacan, Manuel Maestro ng Culiat, Quezon City; Charlie Magi ng MaÂlabon City, Jacky Chan de Luna ng Valenzuela City, Laila Sanderac ng Quezon City, David Manlapig ng Marikina City at John Raniel Isidro ng Marikina City.
Batay sa isinumiteng report ni Emy Valderama ng Quezon City District Traffic sector 3, nangyari ang insiÂdente pasado alas-11:00 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Edsa sa tapat ng Farmers Plaza sa Cubao ng magkasalpukan ang Star Bus TXC-764 na minamaneho ni Michael Regalario at RBM Bus TXX-740 na minamaneho naman ni Dominador Usita.
Ayon kay Regalario, nawalan ng preno ang minamaneho niyang bus dahilan upang tumbukin ang likurang bahagi ng RBM bus na noo’y nagbababa ng pasahero.
Sinabi naman ni PO3 Perlito Datu, traffic investigator, nahaharap sa patung-patong na kasong reckless imprudence resulting in damage to property and multiple physical injuries ang kakaharapin ni Regalario.
- Latest