^

Metro

Sekyu todas sa mga ‘tulak’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang security guard ang nasawi nang barilin ito ng grupo ng mga tulak na kinabibilangan ng isang babae kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Angelito Tanael, 36, may asawa, nakatira sa #4107 Macabulos St., Barangay Bangkal ng naturang siyudad matapos na magtamo ito ng tama ng bala sa dibdib buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Pinaghahanap naman ng Makati City Police ang mga suspect, na ang isa rito ay isang matandang babae na nakilala sa pangalang alyas ”Negra”, na isa umanong drug pusher.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Arnel Noriega, ng Station Investigation (SID), Makati City Police, naganap ang in­sidente dakong alas-12:50 ng madaling-araw sa panulukan ng M. Reyes at Mascardo Sts., Brgy. Bangkal ng naturang lungsod.

Nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan at kaanak nito nang napadaan ang isang dalaga, na hindi binanggit ang pangalan at ilan  sa mga kasamahan nito sa inuman ang sumigaw ng salitang “pok-pok”.

Nagalit ang dalaga at umuwi hanggang sa pagbalik ay kasama na nito ang kanyang tatay, nanay nitong si alyas Negra at ilang kabataang lalaki.

Dito na nagkaroon ng argumento at isa sa mga suspect ang nagbunot ng baril at pinaputukan ang biktima. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect at ang biktima naman ay mabilis na isinugod sa naturang ospital ngunit hindi na nakarating ng buhay.

 

vuukle comment

ANGELITO TANAEL

ARNEL NORIEGA

BARANGAY BANGKAL

MACABULOS ST.

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MASCARDO STS

NEGRA

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

STATION INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with