^

Metro

Buntis na misis nagbigti

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraang kalasan ng kanyang live-in partner, tinapos na  ng isang buntis ang kanyang  buhay  nang magbigti ito kahapon ng umaga sa Quezon City.

Bangkay na nang ma­tagpuan si Michelle Ode­villas, 21, tubong Guiuan, Eastern Samar at kasambahay sa #75 Batino St., Brgy. Amihan, Quezon City nang magbigti ito gamit ang isang electric cord na ipinulupot sa kanyang leeg bago isinabit sa hagdanan.

Batay sa inisyal na ulat na isinumite nina PO2 Hermogenes Capili at PO3 Jimmy de Jesus ng QCPD-CIDU, nadiskubre ng mga batang sina Jem at Jam Ordonio ang biktima na nakabigti pasado alas-9:30 kahapon ng umaga.

Bago nakitang bangkay ang biktima ay ka-text pa nito ang umano’y ka-live-in kung saan tinakot ang biktima na hihiwalayan ng huli.

Sinasabing may 10 araw pa lamang na pumapasok na kasambahay ang biktima sa pamilya Ordonio.

Isinasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman kung may foul play sa insidente.

AMIHAN

BANGKAY

BATAY

BATINO ST.

EASTERN SAMAR

HERMOGENES CAPILI

JAM ORDONIO

MICHELLE ODE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with