Fetus itinapon sa kalye

MANILA, Philippines - Isang fetus na babae na tinatayang nasa limang buwang gulang ang itinapon sa gilid ng kalsada sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni Emil Manasan, desk officer ng Brgy. Rosario, ganap na alas-5:40 ng madaling araw ay nagtungo sa kanilang barangay hall ang isang Imelda Aguilar upang ireport ang pagkakadiskubre nito sa isang paper bag na naglalaman ng isang fetus na babae sa gilid ng kalsada.

Ayon kay Imelda, naglalakad siya sa Barangay Rosario nang mapansin niya ang isang paper bag at nang tingnan nito ay isang fetus ang laman na nakabalot sa kumot.

Show comments