MANILA, Philippines - Sa kabila ng ipinapaÂtupad na checkpoint ng Quezon City Police District nakakalusot pa rin ang mga masasaÂmang-loob sa nasabing lungsod.
Ito’y matapos na isang taxi driver na nakilalang si Raffy Caduhada, 35, ang hinoldap at nakunan ng perang kinita sa magÂdamag na pamamasada. Bukod dito, tinangay pa ang pinapasada nitong saÂsakyan na nangyari kahaÂpon ng madaling-araw.
Ang mga suspect, isang babae at dalawang lalaki na hindi mapagkakamalan umanong holdaper dahil sa kanilang modus opeÂrandi ang pagsasama ng isang babae sa operasyon.
Natangay ng mga suspect sa biktima ang halagang P3,820 at taxi nitong Nissan Sentra na may marÂkang Pabix taxi (UVM-776).
Sa ulat, nangyari ang inÂsidente sa may Brgy. San Martin De Pores, Cubao, ganap na alas-2:30 ng madaÂling-araw.
Sumakay umano kay CaÂduhada ang mga suspect sa Pureza Manila at nagpahatid sa may Partas Terminal sa Cubao.
Pagsapit sa harap ng Driod St., sa nasaÂbing baÂrangay ay biglang nagÂlabas ng patalim ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.
Dito na sinimulan ng mga suspect na kunin ang pera ng biktima na agad na pinaupo sa likuran, haÂbang ang isang suspect na lalaki naman ang nagmaneho ng taksi at pinaharurot ito palayo.
Pagsapit sa isang lugar sa New Manila ay saka piÂnababa ang biktima, at itinakas ang sasakyan na nagsilbi nilang get away.
Sa kasalukuyan, patuloy ang follow-up operation ng QCPD laban sa naturang mga suspect.