^

Metro

Taxi driver hinoldap ng 3 pasahero, taxi tangay din

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ipinapa­tupad na checkpoint ng Quezon City Police District nakakalusot pa rin ang mga masasa­mang-loob sa nasabing lungsod.

Ito’y matapos na isang taxi driver na nakilalang si Raffy Caduhada, 35, ang hinoldap at nakunan ng perang kinita sa mag­damag na pamamasada. Bukod dito, tinangay pa ang pinapasada nitong sa­sakyan na nangyari kaha­pon ng madaling-araw.

Ang mga suspect, isang babae at dalawang lalaki na hindi mapagkakamalan umanong holdaper dahil sa kanilang modus ope­randi ang pagsasama ng isang babae sa operasyon.

Natangay ng mga suspect sa biktima ang halagang P3,820 at taxi nitong Nissan Sentra na may mar­kang Pabix taxi (UVM-776).

Sa ulat, nangyari ang in­sidente sa may Brgy. San Martin De Pores, Cubao, ganap na alas-2:30 ng mada­ling-araw.

Sumakay umano kay Ca­duhada ang mga suspect sa Pureza Manila at nagpahatid sa may Partas Terminal sa Cubao.

Pagsapit sa harap ng Driod St., sa nasa­bing ba­rangay ay biglang nag­labas ng patalim ang mga suspect at nagdeklara ng holdap.

Dito na sinimulan ng mga suspect na kunin ang pera ng biktima na agad na pinaupo sa likuran, ha­bang ang isang suspect na lalaki naman ang nagmaneho ng taksi at pinaharurot ito palayo.

Pagsapit sa isang lugar sa New Manila ay saka pi­nababa ang biktima, at itinakas ang sasakyan na nagsilbi nilang get away.

Sa kasalukuyan, patuloy ang follow-up operation ng QCPD laban sa naturang mga suspect.

vuukle comment

CUBAO

DRIOD ST.

NEW MANILA

NISSAN SENTRA

PAGSAPIT

PARTAS TERMINAL

PUREZA MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with