^

Metro

Sekyu ng ABS-CBN, utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 47-anyos na security staff ng isang TV network matapos barilin ng riding-in-tandem sa lungsod Quezon kahapon.

Si Antonio De Guzman, events security ng ABS-CBN at residente ng Salvia Street, St. Dominic Subdivision, Brgy. Kaligayan,  No­valiches, ay idinekla­rang patay sa Far Eastern Uni­versity-Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) Medical Center dulot ng isang tama ng bala sa ka­tawan.

Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng Quezon City Police District Criminal Investigation and De­tection Unit (QCPD-CIDU), nang­yari ang insidente sa isang gasoline station sa Commonwealth Avenue malapit sa Don Jose Heights Subdivision, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Sinabi ni Peralta, ka­bababa lamang umano ni De Guzman mula sa sasakyan ng kaibigang si Jose Vargas sa gasoline station, kung saan ito maghihintay na masa­sak­yang pampasaherong jeep­ney para makauwi ng bahay nang bigla uma­nong sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang mga suspect.

Mula dito ay nagbunot ng baril ang angkas ng motorsiklo at binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang tagiliran saka mabilis na nagsipagtakas.

Dagdag ni Peralta, ba­gama’t sugatan nagawa pa ni De Guzman na ma­kapara ng taxi na minamaneho ng isang Pablito Aguilar, at nagpahatid sa may malapit na ospital kung saan ito idinekla­rang patay ganap na alas-7:45 ng umaga.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente, upang mabatid ang motibo ng pamamaril sa biktima.

COMMONWEALTH AVENUE

DE GUZMAN

DON JOSE HEIGHTS SUBDIVISION

FAR EASTERN UNI

JOSE VARGAS

MEDICAL CENTER

NICANOR REYES MEDICAL FOUNDATION

PERALTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with