^

Metro

2 hired killer, timbog sa checkpoint

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiklo sa inilatag na checkpoint ng Pasay City Police bilang bahagi ng election gun ban ang dala­wang hinihinalang hired killer na magka-ang­kas sa isang mo­torsiklo, kama­kalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police ang mga naaresto na sina Mark Jefferson Tenorio, 27-anyos, ng Maya St., Rizal, Makati City at Sylvester Lazo, 25, ng Pembo, Ma­kati City.

Nabatid na nasita ang dalawa sa isang checkpoint sa may Taft Avenue, Pasay habang magka­angkas sa isang itim na Hondang motorsiklo na walang plaka. Nang isa­ ilalim sa inspek­syon, na­diskubre sa posesyon ng mga ito ng dalawang ka­libre .30 baril na puno ng bala. Nakuha rin sa da­ lawa ang isang floor plan ng isang bahay. 

Nagtungo naman sa istasyon ng Pasay Police ang isang mag-asawa na humiling na huwag magpabanggit ng pangalan, at positibong itinuro ang dalawang suspek na siyang nakita umano nilang umaali-aligid sa kanilang bahay.

Nabatid rin na ang floor plan ng bahay na nakuha sa dalawa ay tumutugma sa bahay ng mag-asawa. 

Sinabi ni Llorca na nahaharap rin sa kasong murder sa Makati City ang dalawang nadakip na suspek. 

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Om­nibus Election Code, illegal possession of firearms at ammunitions, at posibleng carnapping ang mga suspek kapag napatunayan na karnap ang motorsiklong kanilang minamaneho.

ELECTION CODE

MAKATI CITY

MARK JEFFERSON TENORIO

MAYA ST.

NABATID

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE

RODOLFO LLORCA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with