^

Metro

Kelot dedo sa pamamaril sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang binaril saka itinapon sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Patay na nang matagpuan si Erwin Daen, 34, na naka­handusay sa Brgy. Gulod­ ganap na alas-12:45 ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, nasawi ang biktima sanhi ng isang tama ng bala sa gawing likuran ng kanyang ulo.

Sabi ng isang saksi, matu­tulog na lang siya nang makarinig ng putok ng baril sa labas ng kanyang bahay sa  Florentina St. corner Nitang Avenue.

Dala ng kuryusidad, nagpasyang lumabas ng kanyang bahay ang saksi para tingnan ang pinanggalingan ng putok kung saan tumambad sa kanya ang duguang katawan ng biktima sa kalye.

Agad na ipinabatid ng saksi ang nakita sa barangay na siya namang tumawag ng pulis para magsiyasat.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

DALA

ERWIN DAEN

FLORENTINA ST.

GULOD

ISANG

NITANG AVENUE

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with