^

Metro

Killer ng dermatologist timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang lutas na ang brutal na pagpatay sa umano’y bading na dermatogist matapos na maaresto ang sina­sa­bing suspect na dating ka­relasyon nito sa lungsod Quezon.

“Crime of Passion among men and men,” ito ang pakahulugan ni Police Insp. Elmer Monsalve, hepe ng Quezon City Police District Intelligence unit sa naging ugat ng pagpatay ng suspect na si John Patrick Torres, 28, kay Dr. Russel­ Fritz Saliganan noong Enero­ 11, 2013.

Ayon kay Monsalve, si Torres ay positibong itinuro ng pangunahing testigo na siyang huling nakitang kasama ng doktor bago natagpuan ang huli na ma­lamig na bangkay sa loob ng kanyang tinutuluyan sa 2nd Floor Unit 32-F2, Batay St., Brgy. Kaunlaran sa lungsod noong nakalipas na Biyernes ganap na alas- 12 ng hatinggabi.

Naaresto si Torres, 26, sa gateway Araneta Center Cubao noong Linggo ng alas-3:30 ng hapon makaraan ang walang humpay na follow-up operation ng tropa ng Criminal Inves­ti­gation and Detection Unit ng QCPD.

Pangunahing testigo ng pulisya ay ang isang pipi at bingi  na positibong kumilala sa suspect na huli niyang nakita sa tinutuluyan ng biktima.

Sinabi umano ng testigo na nakita niyang naglalakad ang biktima at suspect na magkahawak pa ang kamay habang bumibili ng alak  malapit sa tindahan, bago bumalik ng apartment.

Dagdag pa nito, umiinom din siya ng ilang bote ng alak sa lugar nang ma­kita niya ang dalawa nang hatinggabi ng Biyernes habang pabalik sa lugar ni Saliganan.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, nadiskubre ang bangkay ng biktima nang hatinggabi ng Biyernes na tadtad ng tama ng saksak sa likod at braso.

Nabatid ng awtoridad sa mga kaibigan ng biktima na ayaw ni Torres na hiwalayan siya nito.

Diumano, may sabi-sabing nakakilala ang biktima ng ibang lalaki noong nakaraang buwan, sanhi para lubusang magselos si Torres. Si Torres residente ng Ba­lagtas St., Marikina Heights, Marikina City ay nadakip sa labas ng isang coffee shop sa Gateway matapos na isang kaibigan ng doktor ang nag-text dito na nagkunwaring makikipagkita sa kanya.

“Selos ang tinitingnan nating pangunahing motibo,dahil base sa testimonya ng ating mga testigo ay nagagalit ang suspect dahil may bago ng nagugustuhan  ang biktima,” sabi naman ni Monsalve.

Inihahanda na ang kasong murder laban sa suspect alinsunod sa nang­yaring krimen.

Samantala, tinangka namang kunan ng pahayag ang suspect pero tumanggi na ito sa pagsasabing hinihintay pa nila ang kanilang abogado bago magbigay ng anumang pahayag.

vuukle comment

ARANETA CENTER CUBAO

AYON

BATAY ST.

BIYERNES

CRIME OF PASSION

CRIMINAL INVES

DETECTION UNIT

DR. RUSSEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with