Billboard, streamers ng mga pulitiko sa Maynila tinanggal
MANILA, Philippines - Pinatanggal ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang lahat ng mga billboards, streamers at tarpaulin ng mga pulitiko na nakasaad ang kanilang pagbati at paalala.
Ayon kay Lim, inatasan na niya sina chief of staff at media bureau director Ric de Guzman, city administrator Jay Marzan, city engineer Armand Andres at ret. Col. Carlos Baltazar, hepe ng department of public services na baklasin ang lahat ng mga billboard at tarpaulin kung saan nakalagay ang mga paalala, pagbati at mukha ng mga pulitiko. Aniya, maging ang kanyang mga tarpaulin ay kanyang pinatanggal.
“Marunong silang magsipagkabit ng kanilang mga promotional paraphernalia pero pag tapos na ang okasyon, iiwan na lang,†ani Lim
Bagamat naiintindihan ni Lim na tinatamad ang mga pulitikong magbaklas ng kanilang mga tarpaulin matapos na matalo sa halalan, ipinagtataka din ng alkalde kung bakit hindi rin inaalis ng mga nanalong kandidato ang kanilang mga ikinabit na billboards at elections materials.
Giit ni Lim, walang saÂsantuhin sa pagtatanggal ng mga campaign materials at tarpaulin kahit pa ito’y kanyang kapartido o hindi.
- Latest