Bangkay lumutang sa Ilog Pasig
MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ang natagpuan na lumuluÂtang sa Pasig River sa bisinidad ng Port Area, Maynila kahapon ng umaga.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 50, may taas na 5’5, naka-stripe blue na polo shirt at berdeng short.
Ayon kay Det. Anthony Boncan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-8:30 ng umaga nang nakitang nakalutang ang biktima sa naturang lugar.
Sa salaysay ng isang Ronnie Arcena, 28, vendor, naglalakad siya sa lugar nang mapansin ang nakalutang na katawan ng biktima kaya inireport niya sa pulisya.
Nakitaan ng dalawang sugat ang biktima sa kaliwang noo at kaliwang kilay.
Pinaniniwalaang dayo lamang sa lugar ang biktima dahil walang nakakakilala dito.
Una rito ay natagpuan din sa Pasig River ang lumulutang na bangkay ng isang matandang babae na pinaniniwalaang isa sa mga deboto ng Itim na Nazareno.
- Latest