^

Metro

Dahil sa lungkot, biyudo nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Tignan mo ayan ang asawa ko, niyaya na ako sumama sa kanya, kaya sasama na ako!” 

Ito ang mga huling kataga na binigkas ng 63 anyos na biyudong si Nonito Lacayan, matapos na magbigti sa sarili sa loob ng kanyang bahay sa # 103 P. Garcia Extension, Magsaysay St., Doña Faustino Subdivision, Brgy.San Bartolome, Novaliches sa lungsod.

Ayon kay PO3 Edison R. Baguilan ng Quezon City Police Station 4, si Lacayan ay may isang taon nang biyudo at tanging ang kasama nito sa bahay ay ang kaanak na si Milagros Valenciano,68.

Natagpuan ang biktima, ganap na alas 6:15 ng u­maga sa kanilang tinutuluyan ilang minuto matapos ang pakikipag-usap nito kay Valenciano hinggil sa asawa niyang namayapa at naghihintay sa kanya.

Sinabi ni Valenciano, binalewala umano niya ang sinabi ng biktima at nagpatuloy sa kanyang ginagawa sa pag-aakalang nalulungkot lamang ito kung kaya nito nasambit ang ganoong kataga.

Pero, ilang minuto ang lumipas, nang bibigyan na ni Valenciano ng kape ang biktima ay nasorpresa na lamang siya nang makita ang huli na nakabigti sa kisame gamit ang kawad ng telepono

Agad na humingi ng tulong si Valenciano sa kapitbahay para maitakbo ang biktima sa Bernardino Hospital pero idineklara din itong patay ganap na alas 6:30 ng umaga.

 

BERNARDINO HOSPITAL

EDISON R

FAUSTINO SUBDIVISION

GARCIA EXTENSION

MAGSAYSAY ST.

MILAGROS VALENCIANO

NONITO LACAYAN

QUEZON CITY POLICE STATION

SAN BARTOLOME

VALENCIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with