^

Metro

Sayyaf tiklo sa Taguig City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na operatiba ng Criminal Inves­tigation and Detection Group National Capital Region (CIDG-­NCR) at Army intelligence  ang isang pinaghi­hinalaang notoryus na kidnapper ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Taguig City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspect na si Suhod Salasim, alyas Suhod.

Bandang alas-6:20 ng umaga­ nang masakote ng mga tauhan ng CIDG-NCR si Suhod sa isang apartment sa Tawi-Tawi Street, Maharlika Village, Taguig City.

Nasamsam mula sa pag-iingat nito ang dalawang cartridge ng 40mm M203 grenade launcher at isang MK2 grenade.

Bago ito ay isinailalim sa surveillance operation ang lugar matapos na makatanggap ng tip ang intelligence operatives ng CIDG-NCR na nagtatago rito si Suhod.

Si Suhod ay sangkot sa ilang kaso ng kidnapping for ransom sa Sumisip at Lamitan, Basilan. Inaresto ang suspect sa bisa ng tatlong warrant of arrest na inisyu ni Judge Leo Principe ng Regional Trial Court (RTC) Branch 1 ng Isabela City, Basilan.

Ang suspect ay sangkot sa kidnapping at illegal detention sa 10 manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Brgy. Tairan, Lantawan, Basilan noong Hunyo 11, 2001 gayundin sa pagdukot ng mga guro at estudyante ng Claret High School sa Brgy. Tumahubong, Sumisip, Basilan noong Hunyo 2, 2011.

 

ABU SAYYAF

BASILAN

BRGY

CLARET HIGH SCHOOL

CRIMINAL INVES

DETECTION GROUP NATIONAL CAPITAL REGION

GOLDEN HARVEST PLANTATION

SUHOD

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with