^

Metro

Lalaking nagkalat ng sex photos ng ex, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng Manila City Hall ang dinakip  matapos na ireklamo ng kanyang ex-girlfriend dahil sa pag-upload ng kanilang sex photos sa Facebook sa Sampaloc, Maynila kahapon ng  madaling-araw.

Kalaboso si Fritz Floreindo, 27, ng Vicente Cruz St. dahil sa reklamo ng ex-girlfirend na si Myra (hindi tunay na pangalan), 20, casino dealer.

Ayon kay SPO1 Jacob Cebreros, alas-2:50 ng madaling-araw nang dakpin  ang suspect sa loob ng Biak-na-Bato Bar and Restaurant sa Retiro St., Sampaloc.

Nauna rito, nakaaway umano ni Myra ang kaibigang babae ng suspect  na ikinagalit ng huli at pinagbantaang ia-upload ang kanilang sex photos kung hindi titigilan  ang pag-away sa kaibigang babae. Huli na nang matuklasan ni Myra na tinotoo ng suspect ang kanyang banta nang makita niya sa Facebook account ang nasabing mga larawan.

Itinanggi naman ng suspect na siya ang nag-upload ng sex photos nila ni Myra at sinabi niya na may access ang biktima sa kanyang FB account. Narekober naman ang cellphone ng suspect na naglalaman ng malalaswang larawan.

 

vuukle comment

AYON

BATO BAR AND RESTAURANT

BIAK

FACEBOOK

FRITZ FLOREINDO

JACOB CEBREROS

MANILA CITY HALL

MYRA

RETIRO ST.

VICENTE CRUZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with