^

Metro

Habang pinuprusisyon: Korona ng Black Nazarene natapyas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagnanais ng mga deboto na makahawak sa imahe ng Itim na Nazareno, nasira ang ka­la­hating bahagi ng sinag na disenyo sa korona nito habang  pa­tuloy ang prusisyon pa­tungong Quiapo church.

Nabatid na umabot ng 18 oras ang itinagal ng prusis­yon hanggang sa tuluyang maipasok dakong ala-1:30 ng madaling-araw ang Itim na Nazareno sa loob ng simbahan ng Quiapo.

Ayon sa mga “hijos” o taga-hila ng lubid sa andas­ ng Nazareno nawala ang bahagi ng korona sa prusisyon dahil na rin sa pagpupunas at paghawak ng mga deboto.

Isa umano sa tatlong sinag ng korona ang natapyas habang inilalakad sa prusisyon ang Nazareno kamakalawa. Huli na umano nang mapansin na natap­yas ang korona ng Na­zareno.

Alas-2 ng hapon kahapon nang makita at maibalik ang nawalang sinag­ sa korona ng Nazareno.

 

AYON

DAHIL

HULI

ISA

ITIM

KORONA

NABATID

NAZARENO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with