^

Metro

1 nakauniporme ng pulis trader hinoldap ng riding in tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit na P.5 milyon ang natangay sa isang negosyante ng dalawang lalaking magka-angkas sa isang motorsiklo, isa dito ay nakauniporme pa ng pulis sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ito ang idinulog sa Manila Police District-Theft and Robbery Section ng biktimang si Gil Kingsu, 56, residente ng  Ba­lut, Tondo at driver nitong si Rico Solmiron, 36, ng San Rafael, Navotas City.

Sa ulat ng MPD-TRS, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap  ang insidente sa North Bay Boulevard, Gagalangin, Tondo, Maynila.

Batay sa naging pahayag ng testigong si  Kagawad Jerome­ Amper ng Barangay 148, Zone 13, District 2, bago naganap ang insidente ay nagsasagawa sila ng pagpapatrulya sa nasa­bing lugar nang napuna nila ang nakatigil na isang SUV habang  nakabuntot  ang isang motorsiklo.

Nilapitan umano ni Amper at tanod nito ang motorsiklo at ina­lam kung may problema subalit sinagot umano ng naka­sakay sa motorsiklo na “wala”.

Maging ang mga nakasakay sa nasabing SUV ay sinabi rin umanong “walang problema” nang tinanong ni Amper kung kaya umalis na sila sa lugar.

Gayunman, naghinala si Amper nang napansin nilang umalis na ang motorsiklo subalit naiwan pa rin ang SUV kaya bi­nalikan nila ito kung saan nalaman nila na hinoldap sila ng riding­ in tandem.

Sa reklamo ni Kingsu, kinuha ng mga suspect ang kulay brown niyang Gucci clutch bag na naglalaman ng P530,000 at isang cellphone.

vuukle comment

GIL KINGSU

KAGAWAD JEROME

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

MAYNILA

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD

RICO SOLMIRON

SAN RAFAEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with