^

Metro

2 patay sa pamamaril sa Navotas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dead-on-spot ang biktimang sina MC David Martinez Dalmero, 22, ng Tondo, Manila sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre .45 sa likod noon at ang hindi pa nakikilalang  kasamahan nito,  na tinatayang nasa edad na 20-30, nakasuot ng kulay itim na t-shirt na may tatak na Singapore sanhi rin ng dalawang tama ng bala  sa ulo.        

Base sa imbestigasyon nina PO2 Allan Bangayan at PO2 Tristan Delara,  ng Station Investigation Division (SID), Navotas City Police, naganap ang insidente dakong alas- 3:00 ng hapon sa C-3 North Bay Boulevard South, ng nabanggit  na lungsod.

Ayon sa mga saksing sina Randy DC David at Ilgin Silva, mga construction worker ng DPWH, sunud-sunod na putok ng baril ang kanilang narinig at nakita nilang tumatakbo palapit sa kanila si Martinez at bigla na lamang bumagsak sa kalsada hanggang sa binawian ito ng buhay at binaril at napatay din ang kasama nito ng mga suspek.

Na-recover ng mga tauhan ng Scene of Crimes Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ang apat na empty shell ng caliber .45 na siyang ginamit sa mga biktima.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis at inaalam kung anong tunay na motibo sa pagpaslang sa mga biktima.

vuukle comment

ALLAN BANGAYAN

DAVID MARTINEZ DALMERO

ILGIN SILVA

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SCENE OF CRIMES OPERATIVES

STATION INVESTIGATION DIVISION

TRISTAN DELARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with