4 bagets huli sa holdap
MANILA, Philippines - Nasakote ng mga taÂuhan ng pulisya ang apat na kabataang lalaki na mga suspek umano sa pambabato at panghoholdap ng mga motorista sa ilalim ng tulay ng Katihan construction site sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nasa kusÂtodiya ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang mga kabataang suspek na may mga edad na 15 hanggaang 17 anyos. Isa sa mga suspek ang nakumÂpiskahan ng isang sumpak.
Sa ulat ng Muntinlupa PoliceÂ, nakatanggap ng pormal na reklamo ang mga taÂuhan ng Police Community Precinct (PCP) Poblacion ukol sa ginagawang pambabato ng mga kabataan sa mga saÂsakyang dumaraan sa ilalim ng Katihan Bridge consÂtruction site sa Brgy. Poblacion.
Dakong alas-11:30 kamaÂkalawa nang gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis kung saan nasakote ang apat na menor-de-edad sa aktong pambabato ng mga sasakyan.
Ayon kay Muntinlupa Police chief, Sr. Supt. Conrado Capa, modus-operandi ng mga kabataan ang pambabato ng mga sasakyan sa dis-oras ng hatinggabi hanggang madaling-araw at kung sino ang hihinto ay kanilang hoholÂdapin gamit ang nakumÂpiskang sumpak.
Bukod dito, malaking paÂnganib din sa mga motorista ang dulot ng pambabato ng mga kabataang suspek na maÂaaring may malubhang taÂmaan at posible ring maging dahilan ng aksidente.
- Latest