^

Metro

Mister nagbigti sa katatalak ni misis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na maingayan sa pagbubunganga ng kanyang misis dahil sa hindi niya pag-iintrega ng suweldo, nagbigti ang isang electrician kahapon ng madaling araw, sa Tondo, Maynila.

Hinihinalang may ilang oras nang patay bago nadiskubre ang bangkay ni Renato Luna, 35, ng no. 856 Area A, Parola compound, Gate 3, Tondo,  Maynila.

Sa ulat ni PO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas  8:10 ng umaga nang makitang nakabitin at walang buhay  ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto.

Hindi naman umano agad napansin ng misis nitong si Catherine, 30, ang ginawang pagpapakamatay ng mister dahil abala siyang tapusin ang kanyang mga labada.

Nauna dito, dakong 2:30 ng madaling araw nang magtalo ang mag-asawa dahil sa hinahanapan umano ni Catherine ng suweldo ang kanyang mister dahil wala itong naibigay.

Nadagdagan umano ang galit ni Catherine sa kanyang mister nang buweltahan ng tanong ng biktima na “bakit nagdududa ka ba sa akin?”

Dahil dito, hindi na natigil ang pagbubunganga ni Catherine sa mister kaya minabuti ng huli na umiwas at nagtungo sa isang bakanteng lote malapit sa kanilang bahay at uminom ng isang boteng beer.

Matapos uminom ay umuwi ang biktima at nagkulong sa kanilang kuwarto habang si Catherine ay ipinagpatuloy ang paglalabada ng kanilang damit.

Dakong 8:10  ng umaga nang puntahan ni Catherine ang kanyang mister sa kanilang kuwarto ngunit tumambad sa kanya ang nakabiting leeg ng biktima sa kanilang kisame gamit ang isang nylon cord at wala ng buhay.

 

vuukle comment

AREA A

CATHERINE

DAHIL

DAKONG

HINIHINALANG

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MATAPOS

MAYNILA

RENATO LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with