^

Metro

‘Lupin’ todas sa pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano’y kilalang magnanakaw sa lugar ang  nabaril at napatay ng  hindi pa nakikilalang  suspect kahapon sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Alvin Passion, alyas Lupin, 30.

Natagpuang nakahan­dusay ang biktima sa harap ng isang bahay sa #005 Florentina St., corner Nitang Ave., Brgy. Gulod Novaliches, ganap na alas 4:30 ng hapon.

Ayon kay Dionisio Sibucao, nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril sa labas.

Nang kanyang tignan, nadiskubre niya ang biktima habang duguang nakahandusay sa simento.

Agad na inireport ni Sibucao ang nakita sa barangay hall na siya namang tumawag ng awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon.

Sa pahayag naman ng  mga istambay sa lugar, gang war ang ugat umano ang pananaksak sa biktima, dahil ang sinasabing suspect ay matagal na nitong kaaway.

Gayunman, ayon sa CIDU iniimbestigahan pa nila ang nasabing motibo para matukoy ang nasabing suspect.

vuukle comment

ALVIN PASSION

AYON

BRGY

DIONISIO SIBUCAO

FLORENTINA ST.

GAYUNMAN

GULOD NOVALICHES

ISANG

NITANG AVE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with