^

Metro

PNP official biktima ng Basag Kotse

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maging ang isang police superintendent ay hindi nakaligtas sa miyembro ng Basag Kotse Gang makaraang matangayan ito ng kanyang laptop computer ng mga salarin matapos wasakin ang bintana ng kanyang sports utility vehicle sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang nabiktima ay kinilalang si Supt. Nicasio Salamera, ng Quezon City Police District-District Legal Unit (QCPD-DLU) kung saan nakuha sa kanya ng basag kotse gang ang isang laptop na nagkakahalaga ng P60,000 na nakalagay sa backseat ng kanyang nakaparadang SUV.Si Salamera ay naghain ng reklamo sa QCPD Masambong station.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Salamera na ipinarada niya ang kanyang Mitsubishi Montero (PIW-947) sa West Ave., Bgy. Paltok, ganap na alas 8 ng gabi at sinigurong naka-lock ang pinto nito, bago iwan.

Ilang oras ang lumipas, pagkabalik ni Salamera natagpuan na lang niyang wasak na ang bintana ng kanyang kotse at nawawala na ang nasabing gadgets

Hindi na rin alam ni Salamera kung sino ang may gawa, sanhi para dumulog na lamang siya sa himpilan ng Masambong para magreklamo.

Patuloy ang follow up operation ng Masambong police sa nasabng insidente.

vuukle comment

BASAG KOTSE GANG

BGY

ILANG

MASAMBONG

MITSUBISHI MONTERO

NICASIO SALAMERA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-DISTRICT LEGAL UNIT

SALAMERA

SI SALAMERA

WEST AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with