^

Metro

Botcha laganap na naman

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasabat ng grupo ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng Manila City Hall ang nasa 800 kilo ng mga botcha at bulok na karne na ibebenta sana sa Divisoria, Maynila.

Bandang ala 1:00 ng madaling-araw kahapon nang isagawa ang sorpresang inspeksiyon kung saan natukoy nila ang may 500 kilo ng bulok na imported na karne at 300 kilong botcha o double dead meat sa kanto ng Juan Luna Street at Claro M. Recto Avenue sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Dr. Joey Diaz ng NMIS, kung hindi nila nasabat ang  pinaghalong imported at lokal na mga karne ay posibleng maibenta ito sa publiko para sa media noche.

Modus-operandi umano ng mga tindahan ng karne na ihalo ang mga double-dead sa sariwang karne upang hindi mahalata at lumaki ang kanilang kita.

Kasabay nito, pinag-iingat ni Diaz ang publiko na dadagsa sa palengke ngayong kasagsagan ng pamimili ng lulutuin para sa pagsalubong sa Bagong Taon na huwag patulan ang mumurahing karne kung hindi nakatitiyak sa kalidad nito dahil maaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Suriin muna kung mapulang-mapula pa at walang masangsang na amoy ang bibilhing karne, dahil may ilang tindera na naglalagay ng artipisyal na kulay upang maitago ang pamumutla ng mga double dead at bulok nang karne, na kung hahawakan ay madulas o malagkit sa kamay.

AYON

BAGONG TAON

CLARO M

DR. JOEY DIAZ

JUAN LUNA STREET

KARNE

MANILA CITY HALL

MAYNILA

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

RECTO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with