^

Metro

LRTA umalerto sa 12th anniversary ng Rizal Day bombing

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakataas ngayon ang alerto ng Light Rail Transit Authority (LRTA) habang papalapit ang ika-12 anibersaryo ng Rizal Day Bombing na naganap noong Disyembre 2000.

Una nang inihayag ni LRTA spokesman Hernando Cabrera ang pagpapatupad ng patuloy na  ‘no inspection, no ride policy’ lalo na sa mga nakabalot na regalo kahit tapos na ang Pasko.

Ito’y upang maiwasan na makapasok ang iba’t ibang uri ng mapanganib na armas lalo na ang mga parte ng bomba upang hindi na maulit ang trahedya.

Matatandaan na aabot sa 22 katao ang nasawi nang pa­sabugin ng mga hini­hinalang miyembro ng Jemaah Islamiyah ang isang bagon ng LRT sa may Tayuman Station.

Parte ito ng sunud-sunod na pagpapasabog sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Katuwang ang ilang ta­uhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Special Action­ Force (SAF), mahigpit ngayon ang pagbabantay sa bawat is­tasyon ng LRT Line 1 at Line 2 habang naglagay na rin ng mga K9 units sa bawat entrada ng mga is­tasyon.

 

DISYEMBRE

HERNANDO CABRERA

JEMAAH ISLAMIYAH

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

RIZAL DAY BOMBING

SPECIAL ACTION

TAYUMAN STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with