^

Metro

Manginginom sa kalsada, target ng NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong maghihigpit nga­yon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa mga tinaguriang ‘sunog baga’ o manginginom sa kalsada ilang araw bago ang Bagong Taon.

Ito ay makaraang ulitin ni NCRPO Director Leonardo Espina ang direktiba sa lahat ng kanyang mga District Directors at Station Commanders na arestuhin ang lahat ng makikitang nag-iinuman sa kalsada sa patuloy na pagpapatrulya sa bawat barangay kasama ang mga tanod.

Sa rekord ng pulisya, marami sa mga away na nauuwi sa pambubugbog, at pagpatay ay nag-uugat sa inuman lalo na sa kalsada.  Malala pa rito ay nadadamay ang mga inosenteng napapadaan lamang sa lugar ng inuman na puwersahang tinatagayan ng mga lasenggo.

Nais rin maiwasan ng NCRPO ang tumaas pa ang bilang ng mga napuputukan dahil sa kalimitan sa mga nalalasing ay lalong nagkakalakas ng loob na magsindi ng mga iligal na paputok na minsan ay nagpapasikat pa at hinahawakan ang mga ito.

Gagamitin ng NCRPO bilang armas sa pag-aresto sa mga lasenggo ang mga lokal na ordinansa sa mga lungsod na nagbabawal sa pag-inom sa pampublikong lugar at curfew sa mga kabataan.

Una nang inihayag ni Espina ang muling pagtatakip sa nguso ng mga baril ng mga pulis upang matiyak na hindi magpapaputok ang mga ito sa pagsalubong sa Bagong Taon.

vuukle comment

BAGONG TAON

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

DISTRICT DIRECTORS

ESPINA

GAGAMITIN

LALONG

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

STATION COMMANDERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with