Presyo ng petrolyo tumaas
MANILA, Philippines - Sa halip na positibong aginaldo, dagdag-singil sa mga produktong petrolyo ang regalo ng mga oil companies sa bansa na ipinatupad kahapon sa bisperas ng Pasko.
Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang magpatupad ng pagtataas ang Pilipinas Shell. Nasa 50 sentimos kada litro ang itinaas nito sa kanilang premium at unleaded gasoline habang 55 sentimos naman sa kada litro sa regular gasoline.
Nasa 45 sentimos kada litro rin ang itinaas ng Shell sa kanilang diesel at mas mataas ng 60 sentimos kada litro sa kerosene.
Sumabay din naman ang Petron Corp. sa naturang pagtataas sa parehong oras at parehong mga presyo sa naturang mga produktong petrolyo.
Alas-6:00 ng umaga naman nang itinaas ng PTT sa 50 sentimos ang presyo sa kada litro ng gasolina at 45 sa kada litro ng diesel.
Ang naturang pagtataas ay makaraan ang tatlong sunud-sunod na rollback sa presyo ng petrolyo sa mga nakaraang linggo na inasahan ng mga motorista na magtutuluy-tuloy.
- Latest